BATANG MALAYA!!
______________________________________________________
Sa simpleng tanong na ano ang batang malaya para sayo malayo ang mararating ng pagsagot mo magkakroon ng katuparan ang salitang matagal na nating hinahangad ..
Ang BATA ay BATA….
Masayang
makita ang mga bata na naglalaro at nagbabasa ng libro at isinusulat ang
kanilang pangalan sa isang pirasao ng papel at nagkakamali ng ilang beses dahil
nagsisimula pa lamang silang alamin ang mga bagay bagay sa mundo.
Ang mga
bata ay dapat na loob ng eskwelahan at nakikinig sa kanilang guro habang nag-aabang
sa pagtunog ng bagting (BELL) dahil malapit na ang recess at siya ay makakain
nan g masarap na pagkain na handa ng kanyang ina, magulang ng sinisigurado na
masustansya ang kinakain ng kaniyang anak at nasa mabuting kalagayan.
Ngunit
tila nagbabago na nga ang takbo ng mundo sa mga panahon na ito………….
Nakakabahala na ang antas ng lumalaking bilang ng mga batang
nagtatrabaho sa murang edad at lumilikom ng maliit na salapi para pantawid
gutom ng kanilang pamilya sa buong araw at masaklap pa sila ay gingamit ng mga
sindikato upang magtrabaho para sa kanila.
Bilang pag tugon sa lumalagong bilang ng mga batang
nagtatrabaho sa murang edad o CHILD LABOUR, ang Department of Labor and
Employment ( DOLE) at ang international labour Organization (ILO) ay taon taong
nagpapalano sa pagdiriwang ng WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR.
Nagplano ang mga nasabing orgnisasyon sa taunang pagdiriwang
ng WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR sa Intramuros. Alisunod sa gagawing FOOTBALL
league dito isusunod ang konsepto ng ating sariling
paggunita sa WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR. Magoorganisa ang mga nasabing
organisasyon ng isang FOOTBALL clinic at ang mga kalahok sa klinika ay mga
mismong bata na nakaranas o nakararanas ng CHILD LABOUR. Layunin ng klinika na
ito na palawakin pa lalo ang hilig ng mga bata sa mga ibat ibang uri ng laro at
nang hindi na sila ulit magtrabaho…
Nawa’y
sa taon taon ng pag gunita natin sa WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR ay paunti
unti nating mabawasan ang mga batang nagtatrabaho sa murang edad at nan gang mga
BATA ay maging BATA.