Huwebes, Hulyo 4, 2013

___________________________________________________________________________


BATANG MALAYA!!

______________________________________________________
 Sa simpleng tanong na ano ang batang malaya para sayo malayo ang mararating ng pagsagot mo magkakroon ng katuparan ang salitang matagal na nating hinahangad ..


Ang BATA ay BATA….
                Masayang makita ang mga bata na naglalaro at nagbabasa ng libro at isinusulat ang kanilang pangalan sa isang pirasao ng papel at nagkakamali ng ilang beses dahil nagsisimula pa lamang silang alamin ang mga bagay bagay sa mundo.
                Ang mga bata ay dapat na loob ng eskwelahan at nakikinig sa kanilang guro habang nag-aabang sa pagtunog ng bagting (BELL) dahil malapit na ang recess at siya ay makakain nan g masarap na pagkain na handa ng kanyang ina, magulang ng sinisigurado na masustansya ang kinakain ng kaniyang anak at nasa mabuting kalagayan.
                Ngunit tila nagbabago na nga ang takbo ng mundo sa mga panahon na  ito………….
Nakakabahala na ang antas ng lumalaking bilang ng mga batang nagtatrabaho sa murang edad at lumilikom ng maliit na salapi para pantawid gutom ng kanilang pamilya sa buong araw at masaklap pa sila ay gingamit ng mga sindikato upang magtrabaho para sa kanila.
Bilang pag tugon sa lumalagong bilang ng mga batang nagtatrabaho sa murang edad o CHILD LABOUR, ang Department of Labor and Employment ( DOLE) at ang international labour Organization (ILO) ay taon taong nagpapalano sa pagdiriwang ng WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR.
Nagplano ang mga nasabing orgnisasyon sa taunang pagdiriwang ng WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR sa Intramuros. Alisunod sa gagawing FOOTBALL league  dito isusunod ang konsepto ng ating sariling paggunita sa WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR. Magoorganisa ang mga nasabing organisasyon ng isang FOOTBALL clinic at ang mga kalahok sa klinika ay mga mismong bata na nakaranas o nakararanas ng CHILD LABOUR. Layunin ng klinika na ito na palawakin pa lalo ang hilig ng mga bata sa mga ibat ibang uri ng laro at nang hindi na sila ulit magtrabaho…

                Nawa’y sa taon taon ng pag gunita natin sa WORLD DAY AGAINST CHILD LABOUR ay paunti unti nating mabawasan ang mga batang nagtatrabaho sa murang edad at nan gang mga BATA ay maging BATA.


May magagawa ka para ang " BATA AY MAGING BATA".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento