Miyerkules, Mayo 1, 2013

......

Masang Manggagawa , Mayo Uno


Mayo uno, tinaguriang araw ng mga manggagawa .  Nakihalok sa pagdiriwang ng ito ang ibat ibang uri ng mga manggagawa. Kabilang na rito ang Federation of Free Workers bilang taga pamuno at kanilang mga kapartner na manggagawa tulad ng TUCP, TNT, GLOBE at marami pang iba  na nagpakita ng katangi tanging partisipasyon sa nasabing pagdiriwang. Masasabing ang araw na ito ang nagpapalaya sa mga manggagawa sa kanikanilang mga gawain at inilalabas ang kanilang mga hinaing at pagnanais na madinig ang kanilang gusto sa buhay.
                Bilang isa naring kasapi ng Federation of Free Workers ay isa narin ako sa mga nasasabing manggagawa na lumabas sa lansangan upang sabihin at ipadinig sa lahat ang bawat hianing ng mga manggagawa na sumama sa nasabing pagdiriwang. Sa katunayan ako narin ay maituturing na isang manggagawa sa kadahilanan na ako din ay nagtatrabaho kasabay ng aking pag-aaral.           
                Nabuhay ng pagdiriwang na ito ang bawat  paghihirap ng mga manggagawa. Isa sa mga layunin ng nasabing pagdiriwang ang pagmumulat sa nakararami na ang bawat indibidwal sa mundo ay may karapatan. Karapatan na minsan ay ipinagkakait pa satin ng sarili nating bansa. Bilang isa ring manggagawa marami rin silang karapatan na dapat ding pagtuunan ng pansin.
                Ang mga natukoy na mga hinaing ng mga manggagawa sa nasabing pagdiriwang ay ang pagaalis ng kontrakwalisasyon sa ating bansa, pagbibigay ng mga karampatang benepisyo ng bawat manggagawa at ang pagtrato ng gobyerno sa manggagawa sa ating bansa

                Hangad lamang ng mga manggagawa na ito na marinig ang kanilang mga hinaing. Pantay na pagtingin at makataong pagintindi.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento