Miyerkules, Mayo 29, 2013

HIGIT PA SA PAGTUTURO..



           




 

 




HIGIT PA SA PAGTUTURO..
               
                  Abril 18 hanggang 20 ginanap ang Trainor's training sa Monte vista Pansol Laguna. Kasama sa mga nasabing kalahok sa training ang mga kasapi ng FFW kasama rin ang mga kasapi ng Department of labor and employment.
                 Napapaloob sa training na ito ang mga aktibidades ng mga kasapi ng mga nasabing Federasyon katulad ng TUCP, GLOBE, TNT  at marami pang iba.

                 Tinuturuan ang bawat kasali sa pagsasanay na ito nang tamang paraan ng pagtuturo kung sila man ay magkaroon ng oportunidad na makapagturo sa kanilang kapwa kasapi. maari din nilang matutunan ang ibat ibang paraan ng pagpaunlad ng kanilang sarili at kung pano sila makakahalubilo sa ibang tao. Masasabing ang pagsasanay  na ito ay isang aral para sa ating lahat na kahit ikaw ay mataas na katungkulan na ay kailangan mo paring buksan ang iyong sarili sa mga posibilidad na maari ka pang matuto, Araw- araw ay isang oportunidad para makapangalap pa tayo ng bagong aral sa atin na maari din nating ituro sa iba.

Biyernes, Mayo 17, 2013

AGENDA 2013

Maririnig Ako..
Lahat ng tao may nais sabihin at nais iparating. May mga nais tayong ipahatid na minsan hindi para sa ating mga sarili kundi para sa kabutihan ng mga nakararami. May ibat ibang paraan tayo ng paghahatid ng ating mensahe. May mga indibidwal na dinadaan sa sulat. Ang iba naman ay dinadaan sa awit, sayaw, tula, pag-uulat at minsan naman ay nais silang marinig sa papamigitan ng radyo.
                Bilang isang intern sa FFW , nakasama ako sa mga lakad ng aming COORDINATOR upang magtungo sa Catholic Bishop Conference of the Philippines dahil nakatakdang maging siyang maging panauhin sa programa ni Mr. Melo Acuña tungkol sa ibat ibang isyu sa mga manggagawa.
                Biglaang inalok kami ni Mr. Melo Acuña na kami na daw ang susunod na sasalang sa nasabing programa na agad naman naming ikinabigla. Nabuhay ang pagnanais kong madidinig din ang aking mga nais sabihin na para sa aking kapwa tao.
                Sa pamamagitan ng pagkakataong iyon. MARIRINIG AKO.






Martes, Mayo 7, 2013

.....

VOTE WISELY (KUNO!!!)
Dapat tama!!!

               Nalalapit na naman ang eleksyon at ihahalal na naman natin ang mga pagpaptakbo ng ating bayan. Ngunit hindi ba natin naiisip na bakit sila ang magpapatakbo ng ating bansa kung tayo naman ang naghalal sa kanila? Yan ang nagkasanayan nating sistema sa PILIPINAS. Tama ng naman ang sinsabi sa isang adbokasiya sa pag pili ng magiging pinuno n gating bansa. PILI pinas. Nararapat lamang na pumili tayo ng karapat dapat na maglilingkod sa ating bansa.
                Sa panahon ng eleksyon. Usong uso ang salitang “vote wisely”. Marami ng nabibiktima ng salitang iyan. Anu ano nga ba ang mga kwalipikasyon  upang maging karapatdapat na pinuno n gating bansa o ng ating barangay?
                Isa sa mga gingawa namin sa aming organisasyon na Federation of Free Wokers (FFW) ay ang pagsisiyasat sa mga kumakandito sa pagiging senador ngaung darating  na eleksyon. Nababase nga bas a kanilang paguugali, sa katayuan sa buhay, sa antas ng pamumuhay, sa mga taong nakaligid sa kanila, o sa kasaysayan at kung may kamag-anak siya sa politika.

                Hindi mahalaga ang katayuan sa buhay. Ang mahalaga ay ang mapaglinkuran mu ang iyong kapwa Pilipino dahil sila ang naghalal sayo sa posisyon iyong hiniling. Ngunit napakalungkot isipin na ang katagang VOTE WISELY ay hindi uso sa ating bansa. Mas lumalamang parin ang may salapi at may kapangyarihan. Hindi parin nawawala ang pagnanais natin na ang bawat Pilipino ay matutong gamitin ang salitang VOTE WISELY…..



Photos from  Google images.


Linggo, Mayo 5, 2013

FFW at DZRH

DZRH invites FFW




Napadaan ang aming Practicum Coordinator sa programa na Sugpuin ang Korupsyon sa DZRH. masasabing ang isyu na tintalakay sa kanyang pagpunta ay ang mga isyu na may kinalaman sa mga manggagawa , ang kanilang mga karapatan at mga hinaing na nais nilang marinig. Si Sir Juluis Cainglet ay isa sa mga kasapi ng Federation of Free Workers na syang tumutulong sa mga manggagawa na itaas ang kanilang mga hinaing

Miyerkules, Mayo 1, 2013

......

Masang Manggagawa , Mayo Uno


Mayo uno, tinaguriang araw ng mga manggagawa .  Nakihalok sa pagdiriwang ng ito ang ibat ibang uri ng mga manggagawa. Kabilang na rito ang Federation of Free Workers bilang taga pamuno at kanilang mga kapartner na manggagawa tulad ng TUCP, TNT, GLOBE at marami pang iba  na nagpakita ng katangi tanging partisipasyon sa nasabing pagdiriwang. Masasabing ang araw na ito ang nagpapalaya sa mga manggagawa sa kanikanilang mga gawain at inilalabas ang kanilang mga hinaing at pagnanais na madinig ang kanilang gusto sa buhay.
                Bilang isa naring kasapi ng Federation of Free Workers ay isa narin ako sa mga nasasabing manggagawa na lumabas sa lansangan upang sabihin at ipadinig sa lahat ang bawat hianing ng mga manggagawa na sumama sa nasabing pagdiriwang. Sa katunayan ako narin ay maituturing na isang manggagawa sa kadahilanan na ako din ay nagtatrabaho kasabay ng aking pag-aaral.           
                Nabuhay ng pagdiriwang na ito ang bawat  paghihirap ng mga manggagawa. Isa sa mga layunin ng nasabing pagdiriwang ang pagmumulat sa nakararami na ang bawat indibidwal sa mundo ay may karapatan. Karapatan na minsan ay ipinagkakait pa satin ng sarili nating bansa. Bilang isa ring manggagawa marami rin silang karapatan na dapat ding pagtuunan ng pansin.
                Ang mga natukoy na mga hinaing ng mga manggagawa sa nasabing pagdiriwang ay ang pagaalis ng kontrakwalisasyon sa ating bansa, pagbibigay ng mga karampatang benepisyo ng bawat manggagawa at ang pagtrato ng gobyerno sa manggagawa sa ating bansa

                Hangad lamang ng mga manggagawa na ito na marinig ang kanilang mga hinaing. Pantay na pagtingin at makataong pagintindi.